Poong Jesus, lubog na ang araw At ang dilim nama'y kumakapal; Liwanag mo sa aki'y itanglaw At ako, Panginoo'y samahan.
Nagdaan na naman ang maghapon; Lahat sa paglipas tuluy-tuloy; Ang lahat ng bagay naluluoy; Samahan Mo ako, Panginoon.
Huwag Mo akong dagling iiwanan; Ang kandili Mo ay kailangan; Akong aba'y Iyong pagti'san At ako, Panginoo'y samahan.
Mayroon pa bagang ibang bagay Na makakasupil sa kaaway? Wala na nga, kundi Ikaw lamang; Kaya nga po, ako ay samahan.